oo. itatago ka nila. hindi nila iparirinig sa iyo ang tunog ng mundo. makakalimutan mo ang bukas na daigdig. kasiping mo ang laway, ihi, tae at pawis mo, magdamag o maghapon.
bawal magsalita. bawal bumunganga. dahil kapag itinaas mo ang boses mo, o paliparin sa ere ang kamao, kapalit nun ang habang buhay na pagpapautang ng iyong pangalan.
maililista ka na rin sa mahabang listahan ng pumupunta sa purgatoryo.
habang ang mga iniwan mo,nagtatanong kung ilang vigil o kandila pa ang kailangan para maging kolateral ng iyong mukha o katawan.
(naisip ko lang habang sinisindihan ang kandila para kay manong james balao)









--
kultura ti wayawaya.
--
Apir!
[link]
--
kultura lumablaban, kultura ti wayawaya.
--
Let's put art back in context.
--
j t l b
--
kultura lumablaban, kultura ti wayawaya.
Previous Page12Next Page